Comelec officials inambus: 3 patay, 6 sugatan
June 3, 2002 | 12:00am
ILIGAN CITY Tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan ang nasawi, samantala, anim pang iba ang nasugatan makaraang ambusin ang convoy na sinasakyan ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) bago nakipagbarilan sa tropa ng militar sa Sitio Turontong, Pualas, Lanao del Norte noong Biyernes (May 25).
Sa pahayag ni Major General Alfonso Dagudag, commanding general ng Phil. Armys 4th Infantry Division, patungo ang convoy ng Comelec officials na may escort na tropa ng militar sa isasagawang Special Election sa bayan ng Nanungan, Lanao del Norte nang ambusin ng mga armadong kalalakihan.
Tumagal naman ng may pitong oras na running gunbattle ngunit nakaligtas naman ang mga opisyales ng Comelec.
Ayon pa sa ulat ng militar, nagsiatras ang mga armadong kalalakihan patungo sa Pualas, Lanao del Sur makaraang matunugang may paparating pang re-enforcement mula sa AFP.
Gayunman, hinabol pa rin ng tropa ng militar ang mga nagsitakas na mga armadong kalalakihan na ikinasawi ng tatlo at narekober naman ang labinsiyam na ibat ibang uri ng baril.(Ulat ni Lino dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended