5 MILF,4 NPA rebels sumuko
June 2, 2002 | 12:00am
Limang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at apat na rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang iniulat na sumuko sa tropa ng militar matapos ang pakikipagnegosasyon sa Maguindanao, Agusan del Sur at Zamboanga del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Ang mga nagsisuko ay nakilalang sina Mohamad Ali Aliman, Akmad Manalinding, Kamori Naron, Taluti at Paruma Guimaton na pawang miyembro ng 203rd Brigade ng Bangsa Islamic Armed Forces (BIAF) ng MILF rebels.
Samantala, ang mga rebeldeng NPA naman ay kinilalang sina Datu Manhagwanan, Jose Kapitan, alyas Ka Roman, Arnel Bantayan at Judie Candulasao, alyas Ka Judie.
Base sa ulat mula sa Camp Aguinaldo, ang 5 MILF rebels ay sumuko sa kampo ng 7th Infantry Battalion sa Brgy. Nabundas, Mamasapano, Maguindanao noong Biyernes ng hapon dakong ala-1.
Sina Manhagwanan at Kapitan ay nagsisuko sa 403rd Brigade ng Phil. Army sa Esperanza, Agusan del Sur, samantala, sina Bantayan at Candulasao ay sumuko sa 51st Infantry Battalion ng Phil. Army sa Brgy. Poblacion, Lakewood, Zamboanga del Sur dakong alas-5:30 ng hapon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Artemio Dumlao | 10 hours ago
By Cristina Timbang | 10 hours ago
By Joy Cantos | 10 hours ago
Recommended