Kinilala ang dalawang nasawi na sina Sgt. Romeo Mala at CAFGU Celso Verano; ng 25th Infantry Batta-lion (IB) ng Phil. Army.
Ang dalawang nasa kritikal na kondisyon ay sina Remegio Superates at Florencio Roleda; kapwa miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).
Kabilang naman sa tatlo pang enlisted personnel at 16 pang CAFGUs na nasugatan ay sina Technical Sgt. Jesus Javier, Pfc. Ruel Magalad, Sgt. Nonie Hebra at ang mga CAFGUs na sina Fernando Encarnacion, Edgar Lantajo, Junely Malik, Juan Cortez, Miguel Egos, Rachel Camangawan, Leonardo Cainglet, Shem Doñado, Noli Ekling, Benjie Epas, Alfredo Flores, Domenece Andag, Nicano Uguit, George Landa, Eddie Ang at Onando Obak na kasalukuyan pang ginagamot sa Digos City Provincial Hospital.
Kasalukuyang bumabagtas ang M35 truck ng 25th IB na minamaneho ni Pfc. Ruel Rodriguez sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Sinawiian, Davao del Sur ng aksidenteng tumaob ang nasabing military vehicle bandang alas-12:15 ng madaling araw.
Base sa inisyal na imbestigasyon, ang nasabing military vehicle ay pabalik na sa headquarters ng 25th IB sa Sitio Cogon, Brgy. Tuban, Sta. Cruz.
Nabatid pa na nagmula ang mga biktima sa dinaluhang rally ng Southern Mindanao Alliance kaugnay ng Anti-Terrorism Campaign seminar na isinagawa sa Bansalan Gym ng bayan ng Bansalan.(Ulat ni Joy Cantos)