^

Probinsiya

Military truck bumaligtad: 2 patay, 21 sugatan

-
Dalawa sa tropa ng pamahalaan ang nalagas habang dalawampu’t isa naman ang nasugatan kabilang ang dalawang nasa kritikal na kondisyon matapos na aksidenteng bumaligtad at sumalpok sa puno ang military truck na kina- lululalan ng mga biktima na nagresponde sa isang anti-terrorism rally sa Bansalan, Davao del Sur kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Sgt. Romeo Mala at CAFGU Celso Verano; ng 25th Infantry Batta-lion (IB) ng Phil. Army.

Ang dalawang nasa kritikal na kondisyon ay sina Remegio Superates at Florencio Roleda; kapwa miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).

Kabilang naman sa tatlo pang enlisted personnel at 16 pang CAFGU’s na nasugatan ay sina Technical Sgt. Jesus Javier, Pfc. Ruel Magalad, Sgt. Nonie Hebra at ang mga CAFGU’s na sina Fernando Encarnacion, Edgar Lantajo, Junely Malik, Juan Cortez, Miguel Egos, Rachel Camangawan, Leonardo Cainglet, Shem Doñado, Noli Ekling, Benjie Epas, Alfredo Flores, Domenece Andag, Nicano Uguit, George Landa, Eddie Ang at Onando Obak na kasalukuyan pang ginagamot sa Digos City Provincial Hospital.

Kasalukuyang bumabagtas ang M35 truck ng 25th IB na minamaneho ni Pfc. Ruel Rodriguez sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Sinawiian, Davao del Sur ng aksidenteng tumaob ang nasabing military vehicle bandang alas-12:15 ng madaling araw.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang nasabing military vehicle ay pabalik na sa headquarters ng 25th IB sa Sitio Cogon, Brgy. Tuban, Sta. Cruz.

Nabatid pa na nagmula ang mga biktima sa dinaluhang rally ng Southern Mindanao Alliance kaugnay ng Anti-Terrorism Campaign seminar na isinagawa sa Bansalan Gym ng bayan ng Bansalan.(Ulat ni Joy Cantos)

ALFREDO FLORES

ANTI-TERRORISM CAMPAIGN

BANSALAN

BANSALAN GYM

BENJIE EPAS

BRGY

CELSO VERANO

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

DAVAO

DIGOS CITY PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with