Killer ng doktor sumuko
June 1, 2002 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Isa sa pangunahing suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa isang doktor sa compound ng Asia Pacific Economic Conference Center (APEC) sa Los Baños, Laguna dalawang linggo na ang nakakalipas ang sumuko sa mga awtoridad.
Si Rolando Rivera, 21, isang sociology graduate ng UP Los Baños at residente ng Putatan, Muntinlupa City ay sinamahan ng kanyang tiyahin na si Atty. Nena Palencia Rivera at Los Baños Mayor Cesar Perez para sumuko kay PRO 4 Regional Director C/Supt. Domingo Reyes.
Dito ay mariing itinanggi niya ang pagkakasangkot sa pagpatay kay Dr. Franklin Avellaneda,consultant ng St. Lukes Medical Center noong Mayo 11, 2002 dakong alas-11 ng hatinggabi.
Magugunita na ang biktima ay nagtamo ng siyam na saksak at apat na tama ng bala ng baril habang nakaposas nang matagpuan sa nasabing lugar.
Kasalukuyang tinutugis pa ng mga awtoridad ang dalawang suspek na sina Kissinger Kraft, 21 at Mark Alba, 20, na kapwa sociology students at miyembro ng Tau Gamma Fraternity. (Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended