Kabilang sa mga nasawi ay nakilalang sina April Sorilla, 7; Wilmar Formento, 18; Roland Sabal, 19; Michael Solina, 25; Ranny Solina, 16 at Jenlyn Nailgas, 15, samantala, ilan sa mga nasugatan ay nakilalang sina Lailany Nailgas, 19; Allan Salazar, 22; Macmac Sorilla, 4; Raffy Solina, 25; Jelo Dalangan, 20; Karen Solina at Glenn Sorilla na ngayon ay ginagamot sa Kalibo Provincial Hospital.
Ilan sa mga nasugatang biktima sanhi ng matalim na kidlat ay nasunog ang ibat ibang bahagi ng katawan.
Base sa nakalap na ulat mula sa Bombo Radyo-Kalibo na ka-tandem ang Bombo Radyo-Iloilo, katatapos pa lamang na dumalo ng mga biktima sa hindi nabatid na barrio fiesta at dahil sa biglang bumuhos ang malakas na ulan ay pansamantalang sumilong sa tindahan na pag-aari ni Arlene Villorente upang magpatila.
Walang kamalay-malay ang mga biktima na ang ginawa nilang magsilong sa tindahan ay magiging hudyat ng kanilang huling masasayang araw dahil sa biglang lumitaw si kamatayan sa pamamagitan ng matalim na kidlat. (Ulat ni Leo Solinap)