Ex-mayor itinumba ng NPA rebels
May 29, 2002 | 12:00am
GOA, Camarines Sur Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dating mayor ng naturang bayan at drayber nito, samantala, malubhang nasugatan naman ang kanyang bodyguard ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang lulan ng sasakyan sa harap ng eskuwelahan may 50 metro lamang ang layo mula sa bahay ng alkalde sa Brgy. Poblacion sa bayang ito kahapon ng umaga.
Tadtad ng bala ng baril ang katawan nina dating mayor Leoncio Gan, 64, may asawa at drayber nitong si Catalino Polilio, 45, may asawa, samantala, nasa kritikal na kondisyon ang bodyguard na si Tyron Sta. Maria na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.
Dalawang beses nang tinambangan si dating Mayor Gan simula noong 1980 at 1990 ngunit nakaligtas naman.
Base sa ulat ng pulisya, kalalabas pa lamang ng mga biktima sa bahay ng dating mayor lulan ng sasakyan nang harangin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa harap ng Goa Central School.
Kaagad na niratrat ang sasakyan ng mga biktima dakong alas-7:40 ng umaga at napuruhan ang drayber na si Polilio at tinamaan naman si Sta. Maria sa ibat ibang parte ng katawan ngunit mabilis naman nakalabas si dating Mayor Gan at tumakbo patungo sa kanilang bahay.
Ayon pa sa mga nakasaksi, hinabol ng mga rebeldeng NPA si Gan na tumakbo patungo sa kanilang bahay at mismong sa harap ng bahay ay binistay ng bala ng baril hanggang sa mapatay.
May teorya ang mga awtoridad na may kinalaman ang krimen sa pagsuporta na masugpo ang masasamang gawain ng mga rebelde noong kasalukuyan pang mayor ang biktima. (Ulat nina Ed Casulla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest