^

Probinsiya

Computer training para sa Quezon PNP, inilarga

-
KAMPO NAKAR, Lucena City – Ipatutupad ngayon ng pamunuan ng Quezon PNP ang pagsasanay sa lahat ng miyembro ng pulisya sa paggamit ng computer bilang tugon sa makabagong sistema na pinaiiral ng kapulisan sa bansa.

Ang kautusang pagsasanay ng computer na mahigpit na ipinatupad ni P/ Sr. Supt. Roberto Rosales, Quezon PNP provincial director ay tatagal ng tatlong araw at gaganapin sa nabanggit na kampo.

Sinabi pa ni P/Sr. Supt. Rosales, nais niyang tugunan at bigyan ng solusyon ang mabagal na pag-uulat at pagpapalitan ng impormasyon sa mga nagaganap na pangyayari sa kanyang nasasakupang lalawigan.

Kabilang sa pagsasanay ay ang paggamit ng internet, e-mail, scanning devices, basic trouble shooting at iba pang mahahalagang bagay na may kaugnayan sa computer upang mapadali ang serbisyo sa publiko. (Tony Sandoval)

COMPUTER

IPATUTUPAD

KABILANG

LUCENA CITY

PAGSASANAY

QUEZON

ROBERTO ROSALES

SINABI

SR. SUPT

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with