^

Probinsiya

'Suspects' sa Laguna masaker sumuko

-
BATANGAS – Apat na umano’y "suspek" sa Amarante masaker sa Cabuyao, Laguna noong Mayo 20 ang boluntaryong sumuko kay P/Supt. Fausto Manzanilla, hepe ng 402nd Mobile Group sa Batangas, matapos marinig nila sa radyo na sila ang itinuturo ng kanilang tiyahin at pinsan na nagpapatay sa kanilang lolo kamakailan.

Ang mga "suspek" na kusang loob na sumuko sa pulisya ay ang magkakapatid na sina Ronaldo, 28; Rolando, 27; Renato, 24 at Rosemarie Amarante, 21.

Nagpasyang sumuko ang magkakapatid na Amarante sa Batangas sa takot na magkaroon ng whitewash sa kaso sa Laguna police.

Matatandaang minasaker sina Mauro Amarante, 83, anak na sina Alicia, 49; Corazon Aguilar, 49 at apong si Luisito, 29 na pawang nakatira sa Celestine Subdivision. Cabuyao, Laguna noong Lunes ng madaling araw.

Inamin ni Ronaldo na bagamat galit siya sa kanyang lolo dahil sa awayan sa lupa ay hindi naman umano niyang kayang magpapatay ng tao dahil sa wala silang perang pambayad sa mga killer for hire.

Bumuo na ng Task Force Amarante si Region 4 Director Chief/Supt. Domingo Reyes Jr., upang siyasatin pa ang ibang anggulo ng pamamaslang.

Ang magkakapatid ay nasa pangangalaga ng 402nd Mobile Group para sa kanilang proteksyon. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BATANGAS

CABUYAO

CELESTINE SUBDIVISION

CORAZON AGUILAR

DIRECTOR CHIEF

DOMINGO REYES JR.

FAUSTO MANZANILLA

MAURO AMARANTE

MOBILE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with