Ang mga biktima ay nakilalang sina Danilo Dayawon, 38 at Bernie Garcia, 48 kapwa miyembro ng Visman Security Agency and Allied Forces at nakadestino sa Globe Telecom Antipolo RSU, Antipolo City.
Ang mga suspek na inireklamo sa NAPOLCOM ay nakilalang sina SPO1 Baetol, PO3 Manuguid, SPO4 Conrado Abrenzosa, PO2 Manuel Padlan, SPO2 Jesus Nueva, Sr /Insp. Romeo dela Cruz, at police aides na sina Alberto Panong at Gomer Payno.
Sa salaysay ng mga biktima, dakong alas-9:30 ng gabi noong Mayo 20 nang puwersahang pumasok ang mga suspek na armado ng mga baril kasama ang isang Winifredo Rivera na pangulo ng Lores Country Home Owners Association sa puwesto ng mga biktima.
Inaresto ang mga biktima dahil sa umanoy may balak ang mga ito na patayin sina Rivera at Insp. Dela Cruz.
Dinala ang mga biktima sa police station at ipinakulong sa kasong grave threat.
Ang dalawa ay pinalaya sa utos ni Prosecutor Lorna T. Lee matapos na makulong ng dalawang araw dahil sa wala namang ebidensiya na nagpapatunay na may banta ito kina Rivera at Insp. Dela Cruz.
Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong arbitrary detention, illegal arrest at administratibo. (Ed Amoroso)