Binatikos ni Billman ang ipinalabas na utos ni Judge Eliodoro Ubadias ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 72 na pagpapababa sa kanyang puwesto para makaupo si Magsaysay gayung isa umanong "marathon" ang ginawang pagdinig nito sa kaso at wala siyang representante nang isagawa ang muling pagbilang sa mga boto.
Matigas din na sinabi nito na hindi siya bababa sa kanyang puwesto hanggat walang ipinapalabas na desisyon ang Court of Appeals at Comelec hanggang umabot pa ang kaso sa Korte Suprema.
Ipinaliwanag din ni Billman sa PSN, na wala siyang kakayahang mandaya dahil isa siyang baguhan sa pulitika at wala siyang milyon na pera na hindi tulad ni Magsaysay na naging mayor na simula pa noong 1988 hanggang 1992 at pinsang buo pa ni Zambales Governor Vicente Magsaysay. (Jeff Tombado)