^

Probinsiya

'Re-counting' hiling ni Mayor Billman

-
CASTILLEJOS, Zambales — Humiling kahapon ang kasalukuyang mayor ng bayang ito na si Wilma Billman na magsagawa ulit ng isang lehitimong "re-counting" ng balota upang malaman kung sino sa kanila ni Mayor Enrique "Iking" Magsaysay ang tunay na nandaya noong nakalipas na eleksiyon.

Binatikos ni Billman ang ipinalabas na utos ni Judge Eliodoro Ubadias ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 72 na pagpapababa sa kanyang puwesto para makaupo si Magsaysay gayung isa umanong "marathon" ang ginawang pagdinig nito sa kaso at wala siyang representante nang isagawa ang muling pagbilang sa mga boto.

Matigas din na sinabi nito na hindi siya bababa sa kanyang puwesto hangga’t walang ipinapalabas na desisyon ang Court of Appeals at Comelec hanggang umabot pa ang kaso sa Korte Suprema.

Ipinaliwanag din ni Billman sa PSN, na wala siyang kakayahang mandaya dahil isa siyang baguhan sa pulitika at wala siyang milyon na pera na hindi tulad ni Magsaysay na naging mayor na simula pa noong 1988 hanggang 1992 at pinsang buo pa ni Zambales Governor Vicente Magsaysay. (Jeff Tombado)

BINATIKOS

COURT OF APPEALS

JEFF TOMBADO

JUDGE ELIODORO UBADIAS

KORTE SUPREMA

MAGSAYSAY

MAYOR ENRIQUE

OLONGAPO CITY REGIONAL TRIAL COURT

WILMA BILLMAN

ZAMBALES GOVERNOR VICENTE MAGSAYSAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with