Boat Captain nag-amok dedo sa pulis
May 25, 2002 | 12:00am
Nasawi noon din ang isang nag-amok na boat captain habang dalawang miyembro ng PNP ang grabeng nasugatan sa naganap na shootout sa pier ng Zamboanga City.
Ang nasawi ay nakilalang si Lanie Arsua, boat captain ng F/B Lucky 90 dahil sa dami ng tinamong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Ang dalawang nasugatang pulis ay nakilala namang sina SPO2 Ireneo Bunac at PO2 Alfredo Gangoso.
Sa imbestigasyon, dakong alas-5:26 ng hapon nang mag-amok si Arsua sa pamamagitan ng walang habas na pagpapaputok ng caliber. 30 garand rifle, kaya humingi ng tulong sa mga awtoridad ang may-ari ng F/B Lucky 90 na si Leonardo Flores.
Napag-alaman na lasing na dumating si Arsua sa bisinidad ng Wee Bin Pier, Brgy. Baliwasan kasama ang Quarter Master na si Paterno Almenteros at ang Chief Mate na si John Ray delos Reyes.
Nagalit si Flores at sinita nito sina Arsua na ikinagalit ng huli at bigla na lamang nagwala.
Rumesponde naman ang dalawang pulis, subalit sila ay pinaputukan kayat napilitan ang mga ito na gumanti na naging dahilan ng pagpapalitan ng putok ang magkabilang panig.
Namatay sa pinangyarihan si Arsua habang sugatan ang dalawang pulis. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended