^

Probinsiya

Barangay Chairman dinedo sa lamay ng utol

-
Humabol sa hukay ang isang Barangay chairman nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga armadong kalalakihan habang nakikipaglamay sa burol ng kanyang kapatid kamakalawa sa lalawigan ng Abra.

Hindi na umabot ng buhay sa Abra Provincial Hospital matapos magtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan si Saldimar Blue, Brgy. chairman sa Brgy. Nalnas, Langiden, Abra.

Sa imbestigasyon, bandang alas-2 ng madaling araw ay nakikipaglamay ang biktima sa burol ng kanyang kapatid nang maisipan nitong magtungo sa madilim na likuran ng bahay ng kapatid.

Bigla na lamang itong pinagbabaril ng mga suspek na nakatago sa dilim hanggang sa duguang bumagsak sa lupa ang biktima.

Bago ang naganap na pamamaslang ay maraming natanggap na pagbabanta sa buhay ang biktima mula sa di pa nakikilalang grupo. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABRA

ABRA PROVINCIAL HOSPITAL

BIGLA

BIKTIMA

BRGY

HUMABOL

JOY CANTOS

LANGIDEN

NALNAS

SALDIMAR BLUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with