^

Probinsiya

1 bayan, may dalawang mayor

-
CASTILLEJOS, Zambales – Kalituhan ang nagaganap sa mga residente sa bayang ito, dahil sa kasalukuyan ay dalawang mayor ang nakaupo sa munisipyo.

Ang tagpong ito ay binabalot ng tensyon sa kasalukuyan sa pagitan ng mga tauhan nina Mayor Wilma Billman at Mayor Enrique "Iking" Magsaysay na kapwa may kanya-kanyang opisina sa munisipyo.

Ayaw umalis sa puwesto ni Billman kahit na inihain ng grupo ni Magsaysay ang isang court order na nag-uutos sa una na lisanin na nito ang kanyang puwesto at uupo na bilang bagong mayor ang huli.

Inokupahan ni Magsaysay at ng kanyang mga bagong itinalagang opisyal sa munisipyo ang tanggapan ng Sangguniang Kabataan na nasa unang palapag, habang si Billman ay nananatiling nasa kanyang tanggapan na nasa ikalawang palapag.

Kaya naman ang mga residente na lumalakad ng kanilang mga papeles na kailangang may lagda ng mayor ay nalilito at naguguluhan kung kanino sila dapat lumapit para papirmahan ang kanilang mga dokumento.

Nagsimula ang "stand-off" sa kontrobersiyal na isyu ng mayoralty sa pagitan nina Billman at Magsaysay matapos magpalabas ng desisyon ang korte sa ilalim ni Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Judge Eliodoro Ubiadas ng Branch 72 na dapat umupo bilang nanalong mayor si Magsaysay noong nakalipas na Mayo 14, 2001 election.

Nakasaad din sa desisyon ng korte ang agarang pagpapatalsik kay Billman sa puwesto dahil sa nandaya umano noong eleksiyon ang grupo nito.

Ang pagkakapanalo ni Magsaysay sa korte bilang bagong mayor ng bayang ito ay makaraang maghain ito ng isang petisyon na umano ay may naganap na dayaan sa bilangan ng boto na kung saan si Billman ay nakakuha ng 3,981 boto kumpara sa una na may 3,595.

Sa ginanap na recounting of votes na isinagawa ng Committee of Revisors ng Commission on Elections sa utos na rin ng korte ay lumalabas na isang landslide victory ang pagkapanalo ni Magsaysay matapos lumamang ito kay Billman ng 1,409 votes sa binubuong 95 presinto.

Nagmamatigas naman na sinabi ni Billman na hindi siya aalis sa puwesto hangga’t hindi nag-uutos ang Comelec na bumaba siya. (Jeff Tombado)

BILLMAN

COMMITTEE OF REVISORS

JEFF TOMBADO

JUDGE ELIODORO UBIADAS

MAGSAYSAY

MAYOR

MAYOR ENRIQUE

MAYOR WILMA BILLMAN

OLONGAPO CITY REGIONAL TRIAL COURT

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with