Mayor ng Castillejos, tinanggal sa puwesto
May 21, 2002 | 12:00am
CASTILLEJOS, Zambales Isang mahigpit na kautusan kamakalawa ang ipinalabas ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 72 ng Olongapo City, ang agarang pagpatalsik sa kasulukuyang nakaupong mayor ng bayang ito, sa dahilang nabahiran ng pandaraya diumano ang pagkapanalo nito noong nakaraang eleksyon, May 14, 2001.
Ayon kay Judge Eliodoro Ubiadas, kanyang ipinag-utos kay Mayor Wilma Billman ng Castillejos na agad lisanin ang puwesto nito bilang Punong-bayan, upang bigyan daan ang panunungkulan ni Enrique Magsaysay na siyang tunay na nagwagi sa naturang halalan.
Nabatid sa recounting na ginanap ng Committee of Revisors ng Comelec, base naman sa petition na inihain ni Magsaysay, lumalabas na lumamang ito ng 1,023 sa pangkalahatang bilang na binubuo ng 95 electoral precints.
Nauna rito, sa katatapos na eleksyon noong May 14, 2001, lumabas sa bilangan na tumapos si Billman ng 3,981 kumpara kay Magsaysay na umabot lamang diumano ng may 3,595 na may 386 ang pagitan na pumapabor kay Billman na siyang nanalo.
Bunga nito, kaagad na iprinoklama ng Municipal Board of Canvassers si Billman bilang lehitimong mayor ng Castillejos.
Ngunit sa pagsisiyasat ng Committee on Revisors, napag-alaman na ang pagkanapalo ni Billman ay kahina-hinala dahil ito diumano ay nalambungan ng katiwalian ng korte ang pagkakaloob nito bilang mayor ng Castillejos at italaga si Magsaysay bilang siyang tunay na panalo sa nabanggit na halalan.
Si Magsaysay ang pumapangalawa kay Billman noong halalan. (Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest