Ama pinatay ng holdaper sa harap ng anak
May 20, 2002 | 12:00am
CABANATUAN CITY Isang driver ng ambulansiya ang pinatay at pinagnakawan pa ng pera habang nakahimpil kasama ang anak sa Don Jose De Real Subdivision, Brgy. Sumacab Este, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na ipinadala ni Supt. Laverne Manangbao, hepe ng Cabanatuan City Police, nakilala ang biktimang si Juanito Espiritu, 53, ng Brgy. Sinipit, Bongabon, Nueva Ecija, driver ng ambulansiya ng Bongabon District Hospital.
Sa imbestigasyon, dakong alas-10:30 ng gabi, habang ang biktima at anak na si Elvira Espiritu, 31, waitress ng Supiandante st., ay sakay ng nakaparadang ambulansiya sa nasabing lugar.
Nabatid na dinalaw lamang sandali ng biktima ang kanyang anak sa trabaho nito nang biglang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at nagpahayag ng holdap.
Nang akmang dudukutin ng biktima ang kanyang wallet ay napagkamalan umano ng suspek na baril ang bubunutin nito kayat inunahan ng suspek ang biktima at binaril sa ulo at katawan.
Bago tumakas ang suspek ayon kay Elvira ay kinuha pa nito ang wallet ng kanyang tatay, na hindi pa nadedetermina ang laman ng pera at kinuha pati ang shoulder bag ng una na may lamang P150 at iba pang mahahalagang gamit. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest