11 suspek sa Gino Padilla murder, sinampahan na ng kaso
May 20, 2002 | 12:00am
CABANATUAN CITY Pormal nang sinampahan ng kasong kidnapping with double murder, at arson ang labing-isang kalalakihan na suspek sa Gino Padilla case na naganap noong gabi ng Marso 8, 2002, sa Brgy. Bibiclat, Cuyapo, Nueva Ecija.
Nabatid kay P/Sr. Supt. Raul Bacalzo, Nueva Ecija Police provincial director, sinampahan na ang mga suspek sa pagkakakidnap at pagkakapatay kay Rodolfo Gino Padilla, pagkakapatay sa bodyguard nitong si Sixto Martin De Gracia at pagkakasunog sa bahay ni Padilla ng nabanggit na petsa.
Kinilala ni Bacalzo ang mga sinampahan ng kaso na sina Crispin at Wilson Cariño, kapwa ng Nagmisahan, Cuyapo; Juan Dagdag, Ely Ramos at Allan Gamboa, pawang mga nakatira sa Butao, Cuyapo; Gil Cariño ng Capil St., Navy Settlement, Concepcion, Tarlac; Ruben Jose ng Lennec, Guimba; Reynaldo Enriquez ng San Fernando, La Union; Felimon Roque ng Cabatuan, Isabela; Junior Aquino ng Bayombong, Nueva Vizcaya at isang John Doe.
Ayon sa pulisya, ang mga suspek na Cariño ay pawang mga kamag-anak ni Mrs. Cariño, ina ng badboy ng pelikulang Pilipino na si Robin Padilla. Si Robin ay half brother ng nasawing si Rodolfo Padilla.
Nabatid pa sa imbestigasyon ng pulisya na away sa lupa umano ang motibo nang naganap na insidente. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
5 hours ago
Recommended