Sa spot report ng Philippine National Construction Corp. (PNCC), ang mga biktima ay nakilalang sina Virgilio Villareal, 27, isang ginang na pinaniniwalaang asawa nito na kapwa taga Malabon City; isang nagngangalang Mayette at Myra Manzano, 26.
Ang mag-asawang Villareal at Mayette ay dead-on-the-spot bunga ng malakas na pagkabangga ng kanilang sasakyan sa isang puno. Samantalang si Manzano ay patay na nang idating sa Biñan Doctor Hospital.
Nabatid na ang mag-asawang Villareal ay naipit sa harap ng sasakyan kayat halos nahirapang magsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng PNCC.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Perpetual Memorial Hospital sa Biñan, Laguna ang pitong sugatan na nakilalang sina Danilo Garcia, asawa nitong si Mareso at anak na si Dan Alter; Mierna Gonzano na umanoy nasa kritikal na kalagayan at tatlong di-nakilala na pawang nakatira sa Malabon City.
Nabatid na ang mga biktima ay lulan ng isang Isuzu Highlander na may plakang VPS-199, na galing sa Naga City at paluwas ng Maynila.
Nabatid na dakong ala-1:30 ng madaling araw kahapon habang binabagtas ng mga biktima ang nasabing highway ay nawalan ng kontrol sa manibela si Virgilio hanggang sa tuluyang bumangga sa isang malaking puno na nagresulta sa trahedya.(Ed Amoroso)