25 MILF rebels sumuko

TUBURAN, Lanao Del Sur – Umaabot sa dalawampu’t limang rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kabilang na ang kanilang kumander ang sumuko sa tropa ng militar na nakabase sa Poblacion, Tuburan, Lanao Del Sur kamakalawa ng hapon.

Si Kumander Raffy Bacol, alyas Topsider ng 3rd Batta-lion, 309th Brigade, 5th Division ng Bangsa Islamic Armed Forces (BIAF), kasama ang kanyang mga tauhan ay boluntaryong sumuko sa headquarters ng 29th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army sa naturang lugar.

Kasabay na isinuko ng mga rebelde ang kanilang armas na kinabibilangan ng 2 M16 rifles; M14; 6 garand rifles, 4 carbine rifles, 4 M79 grenade launcher at homade Ingram.

Napag-alaman pa sa ulat na nagsisuko ang mga rebelde dahil na rin sa hindi matagalang kahirapan sa kagubatan at ang nagaganap na demoralisasyon ng liderato ng MILF.

Kasalukuyan naman sumasailalim sa tactical interrogation ang mga nagsisukong rebelde habang nagpapatuloy ang isinusulong na peace talks ng gobyerno. (Joy Cantos)

Show comments