Kinilala ng pulisya ang suspek na sina Climaco, 45; Rogelio, 41; Nicholas, 35; at Roger Bandico, 21 ng nabanggit na barangay.
Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang lider ng grupo na si Ronnie Kilme sa hindi binanggit na lugar.
Sa ulat mula sa Camp Crame, ang apat na suspek ay pinaniniwalaang pumatay kay Edgardo Damalerio, isang radio broadcaster at reporter ng DXKP noong Lunes ng gabi matapos na dumalo ang biktima sa isang press conference. (Joy Cantos)