^

Probinsiya

4 suspek sa pagpatay sa radio reporter nadakip

-
Bumagsak sa dragnet operation ng pulisya ang apat na suspek na responsable sa pagpatay sa isang radio reporter ng DXKP sa isinagawang biglaang pagsakay sa kanilang safehouse sa Brgy. Baloyboan, Pagadian City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na sina Climaco, 45; Rogelio, 41; Nicholas, 35; at Roger Bandico, 21 ng nabanggit na barangay.

Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang lider ng grupo na si Ronnie Kilme sa hindi binanggit na lugar.

Sa ulat mula sa Camp Crame, ang apat na suspek ay pinaniniwalaang pumatay kay Edgardo Damalerio, isang radio broadcaster at reporter ng DXKP noong Lunes ng gabi matapos na dumalo ang biktima sa isang press conference. (Joy Cantos)

BALOYBOAN

BRGY

BUMAGSAK

CAMP CRAME

CLIMACO

EDGARDO DAMALERIO

JOY CANTOS

KINILALA

PAGADIAN CITY

ROGER BANDICO

RONNIE KILME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with