^

Probinsiya

P5-M bonus ng mga guro naholdap

-
SORSOGON CITY – Tinatayang aabot sa halagang P5 milyon para sa may 500 guro sa pampublikong paaralan ng Bacon, Barcelona at Donsol bilang mid-year bonus ang dinugas ng mga hindi kilalang kalalakihan makaraang pasukin at wasakin ang vault ng cash department ng DepEd sa lungosd na ito kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na ulat ni P/Chief Supt. Ramon Ranara, hepe ng pulisya, pinasok ang naturang opisina sa pagitan ng alas-4 hanggang alas-5 ng madaling-araw sa pamamagitan ng paglagare ng rehas na bakal sa bintana at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi napansin ng ilang security guard.

Pinalalagay din ng pulisya na ginamit ng mga magnanakaw ang isang bata upang makapasok sa maliit na butas ng bintana saka binuksan ang pintuan upang tahimik na maisagawa ang pagnanakaw.

Sinisilip din ng mga imbestigador, ang anggulong inside job dahil sa tukoy ng magnanakaw ang kinalalagyan ng malaking halaga dahil sa walang anumang nagkalat na gamit sa loob ng naturang opisina.

Pinangangambahan naman na hindi makapag-enroll sa darating na pasukan ang mga anak ng guro dahil sa walang makukuhang mid-year bonus na kanilang inaasahan.(Ed Casulla at Bobby Labalan)

vuukle comment

BOBBY LABALAN

CHIEF SUPT

DONSOL

ED CASULLA

PINALALAGAY

PINANGANGAMBAHAN

RAMON RANARA

SINISILIP

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with