Pulis todas sa ambus

Pinaniniwalaang matinding galit sa mga buwayang pulis ang naging ugat ng kamatayan ng isang kagawad ng pulisya matapos na barilin ng isang sibilyan habang ang biktima ay naglalakad sa kahabaan ng Arevalo, Iloilo City kamakalawa ng umaga.

Idineklarang patay sa Iloilo Doctors Hospital si PO3 Douglas Jimenez ng Buenavista Guimaras Police station, samantala, ang suspek na ngayon ay nakakulong ay nakilalang si Bonifacio Jaro, 30 ng Brgy. Janiuay, Iloilo City.

Base sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-10:30 ng umaga makaraang magsalubong ang dalawa na pinalalagay na may matinding galit ang suspek sa mga pulis na nangongotong sa mga jeepney driver sa kanilang lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments