Ito ang nabatid base sa intelligence report na nakalap ng militar kaugnay na rin ng misyong iligtas na ang nalalabi pang tatlong hostage na kinabibilangan ng asawa ni Martin na si Gracia at ng nurse na si Deborah Yap.
Ayon sa ulat, tuwing magtatakipsilim ay sinusumpong ng malaria si Burnham na halos magkikisay habang nakahiga.
Samantala, nauna nang napaulat na nagkaroon ng urinary tract infection ang asawa nitong si Gracia at umanoy posibleng palayain ng Sayyaf anumang oras bagaman wala pang kumpirmasyon ukol dito ang mga opisyal ng militar.
Bunga rin ng kasalukuyang kalagayan ni Martin ay nangangamba ang mga residente ng Basilan na matulad ito sa masaklap na kapalaran ni Peruvian American hostage Guillermo Sobero.
Si Sobero ay nagkasakit din habang nasa kustodya ng mga teroristang Sayyaf at pinugutan ng ulo noong Hunyo 12, 2001 dahil nakakasagabal sa kanilang pagtakas sa tumutugis na puwersa ng militar.
Matatandaan din na ang mag-asawang Burnham ay kabilang sa orihinal na 20 kataong binihag matapos na salakayin ang Dos Palmas Beach Resort sa Puerto Princesa City noong Mayo 27, 2001. (Ulat ni Joy Cantos)