^

Probinsiya

Malaria ni Martin Burnham lumulubha

-
Lumulubha ang sakit na malaria ng American hostage na si Martin Burnham na mag-iisang taon nang bihag ng mga teroristang Abu Sayyaf group sa lalawigan ng Basilan.

Ito ang nabatid base sa intelligence report na nakalap ng militar kaugnay na rin ng misyong iligtas na ang nalalabi pang tatlong hostage na kinabibilangan ng asawa ni Martin na si Gracia at ng nurse na si Deborah Yap.

Ayon sa ulat, tuwing magtatakipsilim ay sinusumpong ng malaria si Burnham na halos magkikisay habang nakahiga.

Samantala, nauna nang napaulat na nagkaroon ng urinary tract infection ang asawa nitong si Gracia at umano’y posibleng palayain ng Sayyaf anumang oras bagaman wala pang kumpirmasyon ukol dito ang mga opisyal ng militar.

Bunga rin ng kasalukuyang kalagayan ni Martin ay nangangamba ang mga residente ng Basilan na matulad ito sa masaklap na kapalaran ni Peruvian American hostage Guillermo Sobero.

Si Sobero ay nagkasakit din habang nasa kustodya ng mga teroristang Sayyaf at pinugutan ng ulo noong Hunyo 12, 2001 dahil nakakasagabal sa kanilang pagtakas sa tumutugis na puwersa ng militar.

Matatandaan din na ang mag-asawang Burnham ay kabilang sa orihinal na 20 kataong binihag matapos na salakayin ang Dos Palmas Beach Resort sa Puerto Princesa City noong Mayo 27, 2001. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

BASILAN

BURNHAM

DEBORAH YAP

DOS PALMAS BEACH RESORT

GRACIA

GUILLERMO SOBERO

JOY CANTOS

MARTIN BURNHAM

PERUVIAN AMERICAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with