^

Probinsiya

1 patay, 4 grabe sa granada

-
TALAVERA, Nueva Ecija – Isa ang nasawi, samantala, apat naman ang malubhang nasugatan matapos na sumabog ang pinaglaruang granada ng una sa Brgy. Sibul sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Halos magutay ang katawan ng biktimang si Rolando Carino, 17, binata, samantala, nasa Dr. Paulino J. Garcia Extention Hospital ang mga nasugatan na sina Victor Carino, 16, Rolando Dela Cruz, 47, Willy Domingo, 36 at Cesar Ordanza, Jr., 31 na kapwa may-asawa at residente ng Baybayas sa bayang ito.

Sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Insp. Jess Santos Manubay, hepe ng pulisya, dahil sa malakas ang buhos ng ulan ay nakiusap ang mga biktima na makisilong sa bahay ni Purificacion Cruz.

Pinaunlakan naman ni Roger Aquino, 47, katiwala ng naturang bahay ang mga biktima ngunit habang nagpapahinga ang mga kasama ng nasawing biktima ay nadiskubre nito ang isang granada at inakalang walang laman.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, bandang alas-8 ng gabi nang alisin ni Carino ang nakakabit na safety pin ng granada na naging sanhi upang sumabog. (Christian Ryan Sta. Ana)

CESAR ORDANZA

CHRISTIAN RYAN STA

DR. PAULINO J

GARCIA EXTENTION HOSPITAL

JESS SANTOS MANUBAY

NUEVA ECIJA

PURIFICACION CRUZ

ROGER AQUINO

ROLANDO CARINO

ROLANDO DELA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with