Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Medical Center si Eduardo Borbe, 52, may asawa at residente ng Brgy. Palungon.
Samantala, tinutugis ng pulisya ang suspek na pinaniniwalaang lango sa alak na si Darwin Balin, may asawa at brgy. tanod ng Brgy. Luba-luba.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang krimen dakong ala-1:30 ng hapon nang magkasalubong ang dalawa sa naturang lugar.
Inakala ng senglot na suspek na estranghero si Borbe kaya sinita nito at nagpaliwanag naman ang biktima na siya ay isang hepe ng brgy. tanod sa Palungon subalit hindi ito naniwala kaya inundayan ng sunud-sunod na saksak ng patalim sa katawan. (Ed Casulla)