Top aide ng Abu kumander, 1 pa nabitag
May 14, 2002 | 12:00am
BASILAN Bumagsak sa mga elemento ng pulisya ang top aide ni Abu Sayyaf group Commander Isnilun Hapilon at isa pa nitong kasamahan sa isinagawang operasyon sa Isabela City, Basilan, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang nasakoteng kanang kamay ni Hapilon na si Abubakar Omar alyas Abusakap na itinuturing asset ng Sayyaf leader.
Ang isa pang nadakip ay nakilala namang si Abu Jihan, isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Hapilon.
Sina Abusakap at Jihan ay nakita sa isang television footage kasama si Sayyaf Spokesman Abu Sabaya at iba pang miyembro ng bandido na may hawak pang mga armas habang sumisigaw ng pakikigiyera sa tropang gobyerno sa Sampinit Complex, Basilan noong nakaraang taon.
Sa ulat na tinanggap kahapon mula sa Camp Crame, ang pagkakadakip sa mga suspek ay matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagtatago ng mga ito sa kanilang safehouse sa Brgy. Kumalarang, Isabela City.
Bandang 11:45 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng 905th Criminal Investiga-tion and Detection Group (CIDG) at Intelligence Division (ID) ang nasabing lugar.
Ang dalawang suspek ay kasalukuyan nang isinasailalim sa masusing tactical interrogation ng Isabela City Police station. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended