2 NPA na pumatay sa guwardya ng palengke, napatay
May 12, 2002 | 12:00am
GENERAL SANTOS CITY Dalawang rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang kumpirmadong napatay ng tropa ng 3rd Marine Battalion Landing Team matapos na pagbabarilin hanggang sa mapa-tay ang isang civilian security unit officer sa harap ng Ramon Magsaysay Memorial College sa Roxas Avenue may 30 metro ang layo mula sa General Santos City Hall kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Director Joerge Aquisap ang security officer na napatay na si Jonathan "Jojo" Parangan, 38, ng Asia Village, Brgy. Bula, nakatalaga sa city public market ng naturang lungsod.
Samantala, ang dalawang rebeldeng nasawi ay nakilalang sina Jerry Bahulay at Dionisio Dinahan.
Ganap na alas-3:45 ng hapon nang itumba ng dalawang rebelde si Parangan habang nakaupo sa kanyang owner type jeep sa nabanggit na lugar saka nagsitakas subalit hinabol ng mga nagrespondeng militar hanggang sa abutan sa likuran ng OLPGV Parish Church sa panulukan ng Señora Dela Paz St. Roxas Avenue at makipagbarilan.
May teorya ang pulisya na nilikida si Parangan dahil sa masyadong mahigpit sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin bilang guwardiya sa palengke. (Ulat ni Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended