Ang biktima na tinamaan kaagad sa ulo ay nakilalang si SPO1 Emeterio Manaois, may asawa at miyembro ng Aroroy Municipal PNP station at residente ng nabanggit na barangay.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, hinarang ng sampung hindi kilalang armadong kalalakihan ang tatlong pampasaherong sasakyan dakong alas-5:30 ng umaga saka linimas lahat ang pag-aari ng mga pasahero bago nagsitakas.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, hindi nasiyahan ang mga holdaper at pinasok pa ang ilang kabahayan kabilang na ang bahay nina Elza Maravilla at Brgy. Chairman Melanio Rapsing. Upang kumuha ng karagdagang armas ngunit walang nakuha maliban sa malaking halaga ng pera.
Nakaabot naman sa pulisya ang modus operandi ng mga holdaper kaya mabilis namang nagresponde ang mga pulis sa nabanggit na barangay hanggang sa tumagal ang palitan ng putok ng 20 minuto bago tuluyang masawi si Manaois.
Bago nagsitakas ang mga holdaper sakay ng mini cab ay ginawang hostage ang apat na anak ni Jimmy Bajar upang gawing human shield patungong Brgy. Habuyoan at Brgy. Tinago.
May palagay ang pulisya na grupo ni Joseph Maglente na dating pulis, ang nakasagupa ng mga awtoridad na responsable sa sunod-sunod na holdapan sa mga pampasaherong sasakyan sa naturang bayan. (Ulat ni Ed Casulla)