^

Probinsiya

Parak nakipagbarilan sa 10 holdaper, todas

-
AROROY, Masbate — Napatay sa pakikipagbarilan ang isang pulis sa sampung holdaper ng pampasaherong sasakyan matapos na magresponde ang biktima kasama ang kanyang mga kabaro sa naganap na holdapan sa Sitio Mabanban, Barangay Panique sa bayang ito kahapon ng umaga.

Ang biktima na tinamaan kaagad sa ulo ay nakilalang si SPO1 Emeterio Manaois, may asawa at miyembro ng Aroroy Municipal PNP station at residente ng nabanggit na barangay.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, hinarang ng sampung hindi kilalang armadong kalalakihan ang tatlong pampasaherong sasakyan dakong alas-5:30 ng umaga saka linimas lahat ang pag-aari ng mga pasahero bago nagsitakas.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, hindi nasiyahan ang mga holdaper at pinasok pa ang ilang kabahayan kabilang na ang bahay nina Elza Maravilla at Brgy. Chairman Melanio Rapsing. Upang kumuha ng karagdagang armas ngunit walang nakuha maliban sa malaking halaga ng pera.

Nakaabot naman sa pulisya ang modus operandi ng mga holdaper kaya mabilis namang nagresponde ang mga pulis sa nabanggit na barangay hanggang sa tumagal ang palitan ng putok ng 20 minuto bago tuluyang masawi si Manaois.

Bago nagsitakas ang mga holdaper sakay ng mini cab ay ginawang hostage ang apat na anak ni Jimmy Bajar upang gawing human shield patungong Brgy. Habuyoan at Brgy. Tinago.

May palagay ang pulisya na grupo ni Joseph Maglente na dating pulis, ang nakasagupa ng mga awtoridad na responsable sa sunod-sunod na holdapan sa mga pampasaherong sasakyan sa naturang bayan. (Ulat ni Ed Casulla)

AROROY MUNICIPAL

BARANGAY PANIQUE

BRGY

CHAIRMAN MELANIO RAPSING

ED CASULLA

ELZA MARAVILLA

EMETERIO MANAOIS

JIMMY BAJAR

JOSEPH MAGLENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with