Nene hinalay ng 2 kalaro sa 'bahay-bahayan'

GUINYANGAN, QuezonIsang 4-anyos na batang babae ang hinalay ng kanyang dalawang batang kalaro sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Poblacion sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang itinago sa pangalang Joyce na residente ng nasabing lugar. Samantala, ang mga suspek ay ang mag-pinsan na itinago sa mga pangalan na Richard, 11 at Bryan, 10 ng nasabi ding lugar.

Ayon sa medical report na ang bata ay positibong ginalaw ng mga suspek matapos na maiksamen ng municipal health doctor ng bayang ito na nakitaan ng laceration sa kaselanan nito.

Sinasabi sa report na ang biktima ay natagpuan ng kanyang ina dakong alas-8 ng gabi sa isang abandonadong bahay at napansin nito na tulala at umiiyak. Ipinagtapat ng bata ang ginawa sa kanya ng mga suspek at iniulat ito sa pulisya na agad ding ikinaaresto ng dalawa.

Ang mga batang suspek ay nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare Development ng bayang ito. (Tony Sandoval/Celine Tutor)

Show comments