Barangay chairman dinedo ng NPAs
May 11, 2002 | 12:00am
CUYAPO, Nueva Ecija Isang barangay chairman ang nasawi makaraang pagbabarilin ng apat na armadong lalaki na pinaghihinalaang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa labas mismo ng kanyang bahay sa Burgos, sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Sr. Supt. Raul Bacalzo, Nueva Ecija Police provincial director, ang biktima na si Barangay Captain Jesus Labrado y Briones, 46, may-asawa at isa umanong re-electionist chairman ng Brgy. Burgos.
Ang biktima ay nagtamo ng anim na bala ng kalibre .45 baril sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan at hindi na umabot pang buhay sa Guimba District Hospital.
Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-8 ng gabi ng dumating sa bahay ng biktima ang mga suspek sa pamumuno umano ng isang Ka Gerald.
Nabatid na dumaan ang mga suspek sa bakuran ng bahay ng biktima, at nang dumating sa bahay ng kapitan ay binigyan ang mga ito ng biscuit at softdrinks at nakipagkuwentuhan pa kay Labrado.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nagsabi si Ka Gerald na hihiramin lang nila sandali sa kapitan ang tricycle na siya namang sinang-ayunan ng huli. Nabatid pa na inihatid ng biktima ang mga suspek sa labas ng gate at nang makasakay ng lahat ang mga suspek, isa sa mga ito ay kumuha ng baril at pinaulanan ng bala ang biktima. Tumakas ang mga suspek gamit ang ipinahiram na tricycle (BZ-5811) ng biktima sa hindi pa malamang direksiyon. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 minutes ago
Recommended