Batay sa ulat na tinanggap kahapon ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Dionisio Santiago, bandang ala-1:10 ng hapon nang lusubin ng mga operatiba ng Armys 58th Infantry Battalion (IB) ang imbakan ng armas ng grupo ni Nur.
Agad umanong pinaligiran ng mga tauhan ng Armys 58th IB sa pamumuno ni 1Lt. Villena ang taguan ng armas sa bisinidad ng Lumba Bayabao, Lanao del Sur.
Napag-alaman na may 15 armadong MBG ang mahigpit na nagbabantay sa nasabing arsenal.
Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng MBG na tumagal ng may 20 minuto.
Umatras naman sa sagupaan ang mga rebeldeng Muslim matapos na mapagtantong dehado sila sa labanan kung saan ang mga ito ay tumahak patungo sa direksiyon ng kagubatan.
Nakumpiska sa nasabing arsenal ang dalawang M16 rifles, M14 rifle, AK 47 rifle, tatlong .9MM pistols, caliber .38 revolver, limang ICOM radios, bandoleer na may limang magazine para sa M16 rifle, magazine para sa AK47 rifle, 98 rounds ng bala para sa M16 rifle at limang rounds ng bala para sa AK47 rifle. (Joy Cantos)