Pulis napikon sa basketball, nagpaputok ng baril, misis todas
May 9, 2002 | 12:00am
BACOOR, Cavite Sa pagkapikon ng isang pulis sa larong basketball dahil inakalang dinadaya ang kanyang team ay nagpasyang barilin ng tatlong beses ang basketball board ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tinamaan ng ligaw na bala ang isang misis na ikinasawi nito sa Brgy. Longos, Zapote 5 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Hindi na naisalba pa ang buhay ni Arceli Norcio, 26, may asawa ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na si SPO4 Dante M. Moral na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame ay sumuko ngunit may kumakalat na balitang tumakas ito matapos isagawa ang krimen na naganap dakong alas-8:30 ng gabi.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Jose Walter Basto, nagalit ang suspek sa referee dahil sa inakalang dinadaya ang kanyang team kaya sa pagkairita ay nagpaputok ito ng baril hanggang sa tamaan ng ligaw na bala ang biktima. (Lanie M. Sapitanan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended