Pekeng reporter tiklo sa 200 gramo ng shabu
May 9, 2002 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Dinakip ng mga awtoridad ang isang pekeng reporter sa isinagawang buy-bust operation sa Ortigas extention, Cainta, Rizal kahapon ng umaga.
Nakumpiskahan ng 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P.4 milyon ang suspek na si Rudy Quioque, isang television technician ng San Joaquin, San Juan, Metro Manila.
Sa ulat ng pulisya, bandang alas-10 ng umaga nang dakpin ang suspek na may nakasabit pang press identification habang nakasakay sa kanyang nakaparadang Suzuki van at inaabot ang droga sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na si Quioque ay kumukuha ng droga sa Muslim area sa Quiapo saka ipinagbibili sa Cainta, Binangonan, Antipolo, Rizal. (Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest