AFP allerto sa pag-atake ng NPA's sa Visayas region
May 9, 2002 | 12:00am
Inalerto kahapon ng Philippine Army Chief Lt. Gen. Dionisio Santiago ang kanyang mga tauhan matapos magbanta ang New Peoples Army (NPA) na maglulunsad ng mga pagsalakay at pamamaslang laban sa puwersa ng pamahalaan sa Western Visayas Region.
Ang direktiba ay ipinalabas ni Santiago bilang tugon sa ipinalabas na kautusan ni Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF) Founding Chairman Jose Maria Sison.
Base sa impormasyong natanggap ni Santiago, sunud-sunod na pagsalakay umano ang ilulunsad ng mga rebelde laban sa mga instalasyon ng gobyerno, pananambang sa mga sibilyan, pulis, paglikida sa mga sibilyang pinaghihinalaang espiya ng pamahalaan at iba pang uri ng pananabotahe sa buong bahagi ng rehiyon.
Samantalang, pinalakas rin umano ng grupo ni Sison ang paglikida laban sa lahat ng mga hinihinalang deep penetration agent ng pamahalaan o yaong mga nagbibigay ng impormasyon tungkol sa operasyon ng rebeldeng kilusan.
Base sa rekord ng militar ng Western Visayas Region ang isa sa itinuturing na balwarteng lugar ng kilusang komunista.
Magugunita na sunud-sunod na paglulunsad ng terorismo ang inihasik ng mga rebeldeng NPA sa Visayas Region nitong mga nakalipas na taon at magpahanggang ngayoy patuloy pa rin ang mga ito sa pambubulabog sa preace and order. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended