2 katao inaresto sa pagpatay sa mag-ina
May 8, 2002 | 12:00am
ROSARIO, Cavite Dalawang lalaki na responsable sa karumal-dumal na krimeng isinagawa sa mag-ina kamakalawa ng madaling-araw ang inaresto ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Pablo Zorilla sa kanilang pinagkukutaan sa Brgy. Bagbag 1 kahapon ng umaga.
Ang mga suspek na lango pa sa droga nang madakip bandang alas-9 ng umaga ay nakilalang sina Jimmy Cano, 50, at Jojo Cuello, 25, jobless na kapwa residente ng Barangay Bagbag 1 sa bayang ito.
Si Cano ay kapitbahay ng mag-inang sina Margarita, 53, isang brgy. kagawad at Nicole Cuello, 8, grade 5 pupil sa nabanggit na barangay, samantala, si Jojo naman ay pamangkin ni Margarita.
Ang mag-inang Cuello ay pinahirapan muna saka minasaker sa loob ng kanilang bahay.
Sinisilip ng pulisya ang anggulong pagkandidato ni Margarita sa darating na barangay at SK elections dahil sa nawawala ang malaking halaga ng pera na pinaniniwalaang gagamitin ng biktima sa kandidatura.
Sinisi naman ng mga residente ang kapulisan sa naganap na krimen dahil sa kawalang programa na masugpo ang lumalalang pagkalat ng droga sa nabanggit na bayan. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest