Magkaibigan todas sa inuman

NAIC, Cavite – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang magkaibigang lalaki ng bilas ng isa sa mga biktima makaraang mairita sa pinagsasabi habang nag-iinuman ng alak sa Barangay Malainen Bago sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Tinadtad ng saksak ang mga biktimang sina Armando Bigalbal, 29, may asawa at Jeff Tampol, 29, na kapwa residente ng Sitio Acacia ng naturang lugar, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ay nakilalang si Pablito Villena ng Barangay Sabang sa bayang ito.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rolando Juco, nairita ang suspek sa pinagsasabi ng kanyang bilas na lango sa alak kaya napilitan niyang patahimikin ang dalawa. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments