13 suspek sa pagpatay sa 3 pulis, nasakote
May 8, 2002 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Labintatlo sa dalawampung kalalakihang responsable sa pagpatay sa tatlong pulis at traffic enforcer noong Abril 13 ang napaulat na nalambat ng mga operatiba ng Bulacan PNP, Central Police District Office (CPDO) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila kamakalawa.
Ang mga nadakip na suspek na pawang miyembro ng "Ilongo-Waray Abuyog Gang"ay nakilalang sina Claudio Sacro, Noel Ortiz, Elizalde Tidoy, Carlos Walo, Jimmy Espina, Nicolas Gonzaga, Marciano Vanzuela, Jesus Mentes, Armando de Hino, Aladin Malinao, Elizalde Laylay, Ronaldo Montalbo at Eliseo Barres na aktibong miyembro ng Phil. Army.
Sa pahayag ni P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, Bulacan PNP provincial director, narekober sa mga suspek ang dalawang motorsiklo, 2 kotse, pitong maikling baril, ibat ibang uri ng communications at ilang shabu paraphernalia.
Magugunitang matapos na looban ng mga suspek ang jewelry shop ay niratrat naman sina P/Sr. Insp. Jose Valdez, SPO2 Zosimo Jocson, SPO1 Emmanuel Arce at Fortunato Culianan, isang traffic enforcer habang nasa loob ng community precinct sa Meycauayan Bulacan noong Abril 13 bandang ala-1 ng hapon.
Kasalukuyan naman nagpapatuloy ang isinasagawang dragnet operation laban sa natitira pang suspek, samantala, pormal naman sinampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na killer.(Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am