Blackout sa buong Luzon nakaamba
May 7, 2002 | 12:00am
MASINLOC, Zambales Nakaambang magkaroon ng malawakang blackout sa buong Luzon anumang oras ngayon matapos na magsagawa ng kilos-protesta ang may 2,000 katao sa Masinloc Coal-Fired Thermal Plant ng National Power Corporation (Napocor) sa bayang ito upang iparalisa ang operasyon ng naturang planta.
Sinabi ni Yolanda Damasco, lider ng United Tenants Association of Barangay Bani (UTAB) na nagsagawa na sila ng barikada sa main gate ng naturang lugar simula pa noong Linggo upang walang makapasok na empleyado ng Napocor.
Ayon kay Damasco na ang kilos-protesta na ginawa ng kanilang grupo ay upang ipaabot sa pamunuan ng nabanggit na kompanya na aabot na sa halagang P92 milyon pagkakautang ng Napocor sa mga tenant ang hindi pa naibibigay kahit na nagpalabas ng desisyon ang Agrarian Court na bayaran na ang mga tenant.
Sa pahayag naman ni Engr. Eugenio Alfonso, plant manager na malaking epekto ang idudulot ng naturang kilos-protesta dahil sa mawawalan ng kuryente ang buong Luzon.
Inalerto na ni P/Sr. Insp. Ronald Tabamo, hepe ng Masinloc PNP station ang kanyang mga tauhan na maging maagap sa anumang karahasang idudulot ng nabanggit na grupo. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended