Mag-asawa kinatay ng mga adik

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Pinagnakawan na kinatay pa ang mag-asawa sa loob mismo ng kanilang bahay ng mga hindi kilalang kalalakihang pawang lango sa droga sa Brgy. Banca-banca, Nagcarlan, Laguna kamakalawa ng gabi.

Ang mag-asawa na may palatandaang pinahirapan muna saka pinatay ay nakila-lang sina Madonna, 29 at Reynold Sumiran, 33 na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Posibleng kakilala ng mag-asawa ang mga suspek kaya tinuluyan silang patayin saka isinagawa ang pagnanakaw.

May palagay ang pulisya na natiyempuhan ng mga suspek na natutulog na ang mag-asawa bandang alas-11:15 ng gabi saka pinasok upang magnakaw ngunit natunugan kaya nagsibangon at nanlaban hanggang sa maganap ang krimen. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments