Mag-ina minasaker sa Cavite
May 7, 2002 | 12:00am
ROSARIO, Cavite Mistulang kinatay na baboy ang ginawang pagpatay sa mag-ina ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang lango sa droga makaraang pasukin ang kanilang bahay saka pinagnakawan kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Bagbag 1 sa bayang ito.
Tadtad ng saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan ang mag-inang biktima ng masaker na sina Margarita Cuello, 53, isang barangay kagawad, may asawa at anak nitong si Nicole Cuello, 8, grade 5 pupil at residente ng Jupiter St., Timoteo Village ng nabanggit na barangay.
Samantala, isa sa mga suspek ay kapitbahay ng mag-ina at pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan dahil sa isinasagawang dragnet operation sa hindi binanggit na lugar upang hindi makalayo ang mga killer.
Sa isinumiteng ulat ni SPO2 Reynaldo Santos kay P/Chief Insp. Pablo Zorilla, hepe ng pulisya sa bayang ito, may tumawag sa kanilang himpilan na natagpuan ang bangkay ng mag-ina bandang alas-2 ng madaling-araw.
May palagay ang pulisya na pagnanakaw ang motibo ng krimen dahil sa magulo ang loob ng bahay ng mag-ina partikular na ang ilang aparador na winasak at pinaniniwalaang pinagtataguan ng mamahaling alahas at pera. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest