2 patay na bata natagpuan sa baybay dagat

CAMP NAKAR, Lucena City - Dalawang bata ang natagpuang patay na kapwa may tama ng palo sa ulo kamakalawa ng hapon sa baybay dagat ng Brgy.Pandan Real,Quezon.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Gerry Lagarde,8 ng nasabing barangay at Ma.Crisitina Novelo,12 ng Sitio lagyo,Brgy.Lubayat.

Batay sa ulat,dakong alas-2 ng hapon ay magkasamang nagpaalam ang dalawang bata sa kanilang mga magulang upang manguha ng kuhol sa tabing dagat.

Subalit makalipas ang kalahating oras ay di pa bumabalik ang dalawa kaya't hinanap na ang mga ito ng kanilang mga magulang at mga pulis.

Si Gerry ay natagpuang wala ng buhay na nakasubsob ang mukha sa buhanginan habang si Maria ay natagpuan dakong alas-5 ng hapon na may sugat din sa ulo at walang saplot ang pang-ibabang saplot na hinihinalaang hinalay.(Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments