Pulis todas sa ambus

SILANG, Cavite Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng pulisya na nakatalaga sa National Police Commission (NAPOLCOM) ng dalawang hindi kilalang lalaki sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng sariling bahay sa AFP housing, Brgy. Old Bulihan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Walang buhay na bumulagta si SPO4 Romulo Domingo, 52, may asawa ng Block 204 Lot 2 Zone 8 ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni PO1 Roderick Abad na isinumite kay P/Chief Insp. Gregorio Evangelista, naganap ang pananambang bandang alas-10:30 ng gabi sa harap ng gate ng bahay ng biktima.

Sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na motibo na iniuugnay sa krimen dahil walang lumantad na testigo. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments