Locksmith niratrat ng brgy. captain

GEN. TRIAS CAVITE – Pitong tama ng cal. 45 ang bumaon sa katawan ng isang magsususi na ikinamatay nito makaraan itong pagbabarilin ng isang brgy. chairman sa Brgy. Tejero ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Ivan Simbre, alias Dagul, 29, may asawa residente ng Brgy. Sapangpalay ng nasabi ding lugar.

Mabilis namang tumakas ang suspek tangay ang gamit na baril na nakilalang si Ricardo Borgonia, nasa hustong gulang at kasalukuyang brgy. captain ng nasabing lugar.

Nabatid pa na may dati ng alitan ang biktima at ang nasabing kapitan. ( Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments