^

Probinsiya

NPA todas sa sagupaan

-
Napaslang sa engkuwentro ang isang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang pinaniniwalaang marami pa ang nasugatan matapos makaengkuwentro ang mga operatiba ng militar kamakalawa sa Magsaysay, Davao del Sur.

Batay sa ulat, bandang alas-5:30 ng umaga ng makasagupa ng isang platoon ng Alfa Company ng 25th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army sa pamumuno ni 2nd Lt. Allan Tesoro ang hindi pa madeterminang bilang ng mga rebeldeng komunista.

Kasalukuyan umanong nagpapatrulya ang tropa ng pamahalaan sa Brgy. Tagaytay, Magsaysay, Davao del Sur nang makasagupa ang grupo ng mga rebelde.

Dito’y nagkaroon ng pagpapalitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng ilang minuto na ikinasawi ng isang miyembro ng mga rebelde.

Kasalukuyan pang biniberipika ang pangalan ng nasawing rebelde matapos na wala ni isa mang identification card na nakuha sa bangkay nito.

Pinaniniwalaan namang marami pa ang nasugatan sa panig ng mga rebelde base sa nakitang mga patak ng dugo sa lugar na dinaanan ng mga ito sa pagtakas.

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang M16 rifle, isang garand rifle at isang carbine rifle. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALFA COMPANY

ALLAN TESORO

BATAY

DAVAO

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KASALUKUYAN

MAGSAYSAY

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with