Ang mga biktimang nasawi ay sina Ricardo, 26 at Reynaldo Estolas, 24, kapwa stay-in worker sa naturang lugar.
Samantala, ang mga suspek na mabilis naman tumakas ay nakilalang sina Cesar, 35; William Moreno, 38; at Arnel Egtik, 35, na pawang mga kasamahan sa trabaho ng mag-utol.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-10 ng gabi matapos na mairita ang mga suspek sa paghahamon ng away ng senglot na biktimang si Reynaldo at sa pagsaklolo ni Ricardo sa ginugulping utol ay nadamay tuloy sa kamatayan. (Ulat ni Danilo Garcia)