Mag-utol nadedo sa gulpi
May 3, 2002 | 12:00am
BINANGONAN, Rizal Pinagtulungang gulpihin at saksakin hanggang sa mapatay ang magkapatid na obrero ng kanilang kasamahan sa trabaho matapos na naghamon ng away ang isa sa mag-utol sa Barangay Pantok sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang mga biktimang nasawi ay sina Ricardo, 26 at Reynaldo Estolas, 24, kapwa stay-in worker sa naturang lugar.
Samantala, ang mga suspek na mabilis naman tumakas ay nakilalang sina Cesar, 35; William Moreno, 38; at Arnel Egtik, 35, na pawang mga kasamahan sa trabaho ng mag-utol.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-10 ng gabi matapos na mairita ang mga suspek sa paghahamon ng away ng senglot na biktimang si Reynaldo at sa pagsaklolo ni Ricardo sa ginugulping utol ay nadamay tuloy sa kamatayan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended